OFW na binuhusan ng kumukulong tubig ng amo sa Riyadh, makakauwi na sa Pinas
MAKAKAUWI na ang isang overseas Filipino worker na binuhusan ng kumukulong tubig ng kanyang amo sa Riyadh dahil sa tagal nitong magtimpla ng kape.
Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III natapos na ang mga kaso ng 26-anyos na si Pahima Alagasi kaya pinoproseso na ang kanyang mga papeles upang makabalik na siya sa bansa.
Si Alagasi ay taga-Pikit- North Cotabato.
Ayon kay Toots Ople, isang advocate na tumutulong sa mga OFW, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na opisyal ng North Cotabato para matulungan ang pamilya ni Alagasi.
Ayon kay Bertiz kinausap ni Pangulong Duterte si Saudi Prince at Interior Minister Abdulaziz bin Saud bin Naif ng pumunta ito sa Malacanang kaugnay ng kaso ni Alagasi.
“I am pleased to report that a few hours ago, I received a phone call from Saudi Arabia’s Ambassador to Manila, (His Excellency) Dr. Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy, who informed me that Fahima can now leave Riyadh and come home anytime,” ani Bertiz sa isang press briefing.
“We consider Fatima’s repatriation as a heartwarming gesture to President Duterte, who brought up her case when the Saudi Prince paid a courtesy visit to Malacañang on Mar. 19.”
Pumunta si Alagasi sa Riyadh noong siya ay 22-anyos para magtrabaho
Noong 2013 ay inutusan siya ng kanyang among babae na magtimpla ng kape. Natagalan umano ang pagtitimpla ng kape at nahulog ang takip ng thermos.
Nang pulutin niya ito mula sa sahig ay nasa likuran na niya ang kanyang amo at ibinuhos sa kanya ang tubig mula sa leeg hanggang sa hita. Siya ay nagtamo ng second degree burns.
Sa sobrang seryoso ng kanyang inabot ay nagpabalik-balik siya sa ospital at hindi na bumalik sa kanyang amo. Nanatili siya sa shelter na pinatatakbo ng embahada ng Pilipinas.
Naghain siya ng kaso laban sa kanyang amo pero ibinasura ito ng korte roon.
Nang kumalat ang kanyang litrato sa internet, matapos i-post ng kanyang pinsan, naghain ng kaso ang amo laban kay Alagasi.
“The employer retaliated a with false accusation charge plus a claim for US $66,000 (250,000 Saudi riyal) in damages against Pahima. The charge was dismissed by a Saudi judge, but the employer elevated the case to the appeals court,” ani Bertiz.
Nang makausap ni Duterte ang Saudi Prince ay nangako ito na tutulong.
Binayaran ng Saudi Prince ang danyos na hinihingi ng employer kaya nabalewala na ang kaso.
“We thank President Duterte and the Saudi Prince for intervening in this case. Without their help, Fahima’s dream of seeing her children would have been impossible. The false accusation and absconding cases filed by the employer against Fahima have been resolved. She has been cleared to leave Riyadh, and we intend to bring her home right away,” ani Bertiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.