2 talent manager nag-away dahil sa pasaway na male star | Bandera

2 talent manager nag-away dahil sa pasaway na male star

Reggee Bonoan - April 03, 2018 - 12:15 AM

KUWENTO ng isang talent manager mahirap daw ka-deal ang kilalang aktor dahil pabagu-bago raw ang isip nito. Sa katunayan, may alitan ngayon ang dalawang manager na namamahala sa kanyang karera.

Si Manager A ang nakikipag-negotiate pagdating sa movie offers habang si manager B naman ang bahala sa mga show at TV commercial ng kilalang aktor.

Kuwento sa amin ng talent manager, “E, hindi na ako magtataka kung maraming taong nagkakagulo sa paligid ni _____ (kilalang aktor) kasi magulo siyang kausap, oo ngayon, bukas hindi na.

“Pati ‘yung dalawang manager niya, may gusot na kasi sabi ni ____ (Manager B), sabi sa kanya nu’ng guy siya ang bahala sa lahat, tapos nalaman na kinuha rin pala yung isang manager for movies at siya na nga ang um-attend ng meeting para sa bago niyang pelikula.

“Heto na ang isyu, naplantsa na lahat ang schedules ng shoot at ‘yung talent fee na lang ang pinag-uusapan kasi ang mahal pala ng hinihingi, so doon na lang nagkakatawaran.

“Biglang umayaw si _____ (kilalang aktor) kasi nagkakagulo raw ‘yung dalawang manager niya kaya hindi na raw niya gagawin ang movie. Nakakaloka, di ba? Nakipag-meeting na, okay na lahat, tapos aatras para wala na lang daw gulo!

“Hayun naloka ang mga producer, pati ‘yung lead actress na makakasama sana niya. Kaya du’n napatunayan na magulo talaga siyang ka-deal,” sabi ng aming kausap.

Ang dami-dami na naming naririnig na mga negang kuwento tungkol sa kilalang aktor kaya pala sabi sa amin ng movie producer, “Maniwala na lang tayo na tuloy na siya kapag nag-shooting na pero minsan nga nagsu-shoot na, pero nawawala pa rin. So kapag nag-presscon na at ipalalabas na ang movie, ‘yun tuloy na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending