Umakyat na sa 15 ang mga tren ng Metro rail Transit Line 3 na bumibiyahe ngayong araw.
Ayon sa Department of Transportation-MRT, 13 tren lamang ang bumiyahe noong Marso 27, ang huling biyahe bago ang Holy Week break. Ginamit ng DOTr-MRT ang limang araw na bakasyon para makumpuni ang mga tren at ang sistema. Bago ito huling umabot sa 15 ang mga tren ng MRT na bumibiyahe noong Enero 5. Ayon kay Aly Narvaez mayroong dalawang extra na bagon ang MRT na maipapalit kung may masisira. Kapag peak hours, dapat ay 20 tren ang bumibiyahe upang mabawasan ang siksikan sa bawat tren.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending