Mga kababata may tulong sa iyong pagtanda | Bandera

Mga kababata may tulong sa iyong pagtanda

AFP - April 02, 2018 - 08:00 AM


NAALALA mo pa ba ang iyong mga kalaro o mga kababata?

Alam mo ba na malaki ang maitutulong nila sa iyong kalusugan lalo na ngayon na ikaw ay tumatanda na?

Ayon sa pag-aaral sa Estados Unidos, malaki ang naitutulong sa kalusugan sa pagtanda ang pagkakaroon ng mga kaibigan habang bata pa.

Marami na ring pag-aaral na iniuugnay ang relasyon ng pagtanda sa kalusugan, kagaya ng pagbaba ng posibilidad ng pagkakaroon ng cardiovascular disease at pagbaba ng high blood pressure.

Para makita kung pareho ang epekto ng mga relasyon habang bata, sinuri ng mga mananaliksik mula sa Texas Tech University at University of Pittsburgh ang mga datos ng 267 batang lalaki (56 porsiyento ay itim; 41 porsiyento ay puti) na may edad na anim at sinubaybayan sila hanggang sa edad na 16.

Sa naturang pag-aaral, tinanong ang mga magulang ng mga kalahok na iulat kung gaano katagal ang ginugugol ng kanilang mga anak kasama ang mga kaibigan sa isang linggo.

Kinolekta rin ng mga mananaliksik ang ugali ng bawat kalahok kagaya ng extraversion sa kanilang pagiging bata, socioeconomic status sa pagiging bata at kanilang pagtanda.

Matapos pag-aralan ang mga datos, napag-alaman nila na mas maganda ang blood pressure at body mass index (BMI) ng mga batang lalaki na mas maraming oras ang ginugol sa kanilang mga kaibigan nang sila ay bata at hanggang sila ay magbinata at kapag sila ay tumuntong na ng edad na 32.

Lumalabas na totoo pa rin ang resulta ng pag-aaral kahit ikonsidera ang iba pang factor kagaya ng kalusugan nito noong bata, at social integration pagsapit ng tamang edad.

Magkapareho ang resulta na nakuha sa mga itim at puting kalahok.

“These findings suggest that our early social lives may have a small protective influence on our physical health in adulthood, and it’s not just our caregivers or financial circumstances, but also our friends who may be health protective,” sabi ni psychological scientist Jenny Cundiff ng Texas Tech University.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending