1. Nag-iimprove ng energy level
Alam n’yo ba na nakakaalis ng pagod at nakadaragdag ng energy level ang pag-inom ng kape? Ito ay dahil sa stimulant na meron ito, ang caffeine.
2. Sumusunog ng taba
Alam ba ninyo na sa kadalasan ang caffeine ay makikitang sangkap sa halos lahat ng fat burning supplement? Kaya nga madalas ang kape ay iinom pagkatapos kumain.
3. May essential nutrients
Maraming nag-aakala na ang kape ay isa lang mapait at itim na inumin. Alam ba ninyong maraming nutrients na matatagpuan sa kape. Ang isang tasa ng kape ay nagtataglay ng Riboflavin (Vitamin B2); Pantothenic Acid (Vitamin B5): Manganese at Potassium; Magnesium at Niacin. Para ka rin uminom ng vitamins!
4. Pampababa ng tsansa na magkaroon ng Type II Diabetes
Alam natin na isang malaking health problem ang Type 2 diabetes na ngayon ay apektado ang mahigit sa 300 milyon katao worldwide. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga coffee drinkers as mas mababa ang tsansa na makadevelop ng Type 2 diabetes dahil sa mga taglay nitong sangkap.
5. Pangontra sa Alzheimer at Dementia
Bagaman wala pang natutukoy na gamot para sa Alzheimer, sinasabi ng pag-aaral na mainam pangontra ang pag-inom ng kape, at siyempre ang pagkain ng masusustansiya at maayos na lifestyle.
6. May protective effect sa liver
Ayon pa sap ag-aaral, ang pag-inom ng apat na tasa ng kape o higit pa kada araw ay nakakabawas ng 80 porsiyento ng risk para magkasakit sa atay .
7. Pampasaya, pangontra rin sa depresyon
Bakit click ang mga coffee shops? At bakit dinadayo ito kahit mahal? Dahil ang pag-inom ng tasa ng kape ay nakababa ng depresyon at nakapagpapasaya.
Sa isang pag-aaral sa Estados Unidos noong 2011, ang mga babae na umiinom ng apat na tasa ng kape o higit pa ay 20 porsiyentong mababa ang risk na maging depressed.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.