GabRu fans nagluksa sa 'pagkamatay' ni Gabbi sa Sherlock Jr | Bandera

GabRu fans nagluksa sa ‘pagkamatay’ ni Gabbi sa Sherlock Jr

- April 01, 2018 - 12:25 AM

MARAMI ang nalungkot nang mamatay ang karakter ni Gabbi Garcia na si Lily sa Kapuso primetime series na Sherlock, Jr.. Nakiramay ang mga viewers sa pagkamatay ng dalaga sa kuwento.

Hindi naman nakalimutan ng Kapuso Drama Princess na pasalamatan ang buong cast ng Sherlock Jr, at lahat ng mga sumusuporta sa serye.

Ani Gabbi, “I would like to thank the #SherlockJr team! Thank you for treating me like family…one of the best cast & productions I’ve ever worked with! Thanks for keeping things light and full of love! I’ll definitely miss taping. Thank you also to everyone who supports the show! To my gabbifieds and GabRu’s, love you guys!!”

Ang ka-loveteam naman niyang si Ruru Madrid ay may mensahe rin para sa kanya, “Paalam Lily, kahit sa maikling panahon na pagsasama niyo ni Jack minahal ka nya at nagpapasalamat sya sa lahat ng ginawa mo para sa kanya.
“Kung wala ka marahil ay hindi niya rin nalutas ang ilang mga kaso na kasama ka nyang ma solve ito. Salamat ng marami, Lily. Mahal ka naming lahat,” saad ng Kapuso hunk actor.

Hindi rin nagpahuli ang director ng serye na si Rechie del Carmen sa pagbati kay Gabbi. Ayon sa kanya, “tough” ang naging taping day na iyon at niyakap lang daw niya si Gabbi.
“When I got up from my seat i suddenly felt this urge to hug you tight and you hugged me back..no words for a few but we completely understood what that hug meant…i love u @_gabbigarcia!” sey pa ni direk Rechie.

Samantala, hustisya para kay Lily Pelaez ang sigaw ng mga viewers. Mahuli na nga kaya ang killer niyang si Dindo (Matt Evans)? Mabigyang hustisya pa kaya ang pagkamatay niya at ni Irene (Janine Gutierrez)? Tutukan lahat ng kasagutan sa pagpapatuloy ng Sherlock, Jr., gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending