CLAUDINE may bagong kadramahan sa buhay, ginugulo na naman si RAYMART | Bandera

CLAUDINE may bagong kadramahan sa buhay, ginugulo na naman si RAYMART

Cristy Fermin - June 25, 2013 - 04:29 PM


Isang source na malapit na malapit kay Raymart Santiago ang takang-taka kung bakit biglang nag-post ng retrato niyang may pasa sa mukha si Claudine Barretto. Tama ang kanyang sinabi na may kakaibang motibo si Claudine nang ipakita niya sa publiko sa pamamagitan ng Instagram ang kanyang larawang maga pa ang mukha sa pagkakasuntok ng gusto niyang tukuyin.

Reaksiyon ng aming source, “Nakakagulat naman ang mga pinaggagagawa ng babaeng ‘yun! Napakabilis niyang mag-isip ng paraan para mapag-usapan siya at para masiraan ang mister niya! “Paano naman magiging posible na si Raymart ang may gawa nu’n, samantalang hindi sila nagkikita? Umuuwi na si Raymart sa house ng mommy niya, sa totoo lang!

“Matagal nang ugali ‘yan ni Claudine, ang palabasing sinasaktan siya ni Raymart kahit hindi naman. Matindi na talaga ang mga akusasyong ginagawa niya sa ama ng mga anak niya!” naiinis na pahayag ng aming impormante. Bakit nga naman kasi tinanggal ni Claudine ang ipinost niyang retrato, kung wala naman palang dahilan ‘yun?

Marami siyang kadramahan, pabayaan na sana niya si Raymart na ilang taon din namang nagtiis sa katahimikan niya!
“Abalahin dapat niya ang sarili niya para tantanan na niya si Raymart na wala nang kagusto-gusto sa kanya, sa totoo lang, dahil sa mga kahihiyang ibinibigay niya!” dagdag  pa ng aming kausap.

Kapag nasukol na si Claudine Barretto ay isa lang naman ang puwede niyang gawin, ang magkunwari na nadulas siya habang naglilinis ng kanilang bahay, marami siyang puwedeng idahilan. Tantanan na nga tayo ng aktres na ito!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending