Malalaking party ipinagbawal sa Boracay | Bandera

Malalaking party ipinagbawal sa Boracay

- March 28, 2018 - 05:56 PM

IPINAGBAWAL ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang tinaguriang “LaBoracay” party sa harap ng nakatakdang pagsasara ng Boracay Island.

Sa isang pahayag, sinabi ng municipal government na nagdesisyon ang executive committee na ihinto na ang pagbibigay ng special permit sa para sa mga malalaking pagtitipon sa LaBoracay (mula Abril 27 hanggang Mayo 2).

“To promote general welfare, the municipal government will not approve permits for big events during the upcoming holidays (Holy Week and Labor Day),” sabi ng pahayag.

Papayagan pa rin ang mga maliliit na pagtitipon na sumusunod sa mga lokal na ordinansa, ayon pa sa pahayag.

Unang ginamit ang termino na Laboracay para sa long weekend, kasama na ang Labor Day sa Boracay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending