Isang mananaya sa Lipa, Batangas ang nanalo ng P12.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Pesigan, Lipa City.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 38-08-01-05-34-22 na lumabas sa bola noong Martes ng gabi.
Samantala nanalo naman ng tig-P25,000 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
Tig-P500 naman ang napanalunan ng 935 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 15,376 mananaya na nakatatlong numero.
Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending