MOTHER LILY masama pa rin ang loob dahil walang entry sa MMFF
ALL’S well that ends well na nga between Mother Lily Monteverde, her daughter Roselle and Marian Rivera. Nalinawan na rin ang issue sa pagitan nina Marian at Judy Ann Santos. Naging headline kasi ang mga pangalang nabanggit sa mga tabloid matapos sisihin ni Mother Lily si Marian kung bakit wala siyang solong entry sa darating na 2013 MMFF.
Marami kasi talaga ang nalungkot for the Regal Matriach na tradisyon na kumbaga na mapanood ang mga entries niya sa MMFF, lalo na ang “Shake Rattle & Roll”. Ayon kay Mother, kaya raw hindi natuloy ang dapat sana’y entry nila sa filmfest na pagsasamahan nina Juday at Marian dahil mas gusto raw ng kampo ng Kapuso actress na magsolo muna sa pelikula.
Kaya ang lumabas na balita, tinanggihan ni Marian si Juday at na-disappoint naman si Mother Lily. At para ipaliwanag ang kanyang panig, tinuran ni Marian na wala siyang alam sa naganap na pag-uusap. Aniya, hindi niya tinanggihan ang alok ni Mother, lalo pa’t isang Judy Ann Santos ang kanyang makakasama, “Sino ba ako para tumanggi sa isang Judy Ann?
Pangarap ko rin siyempre na makatrabaho siya dahil bukod sa magaling siya, alam kong marami akong matutunan sa kanya.
“Kaya lang siyempre po, dapat talaga may magandang plano. Yung pinag-uusapan ng maayos at kami-kami ang magkakaharap, Dream project iyan kaya dapat planuhing mabuti.
Nakakahiya po talaga dahil nadadamay siya (Juday) sa isyung ito. Humihingi po ako ng paumanhin. Si Mother, alam kong nagtatampo lang siya. Matagal ko na pong kilala si Mother at alam kong hindi siya galit sa akin,” sunod-sunod na pahayag ni Marian.
Sa panig naman nina Mother at Roselle Monteverde, ipinaliwanag nilang nagbigay nga sila ng “synopsis” sa supposedly project na una nga nilang inialok kay Juday. Nagkaroon lang daw ng problema nang sa panig ni Marian na ni-represent ni Mr. Rams David na nag-request naman ng solong pelikula for Marian for the MMFF.
Hindi na nga ito nakarating kay Marian dahil obviously, tumanggi na nga si Juday through her manager Alfie Lorenzo.
Sey ni Tito Alfie, “Humihingi kasi ng script si Juday. Gusto niya ang synopsis ng movie pero parang malapit daw ito sa kanyang teleserye ngayon kaya script na ang gusto niyang mabasa.
Noong wala silang maibigay, siyempre naging busy na si Juday at wala na itong oras na maibibigay para sa MMFF.”
Basta ang sabi ni Mother, sobra siyang na-depress at nalungkot dahil ngayong taon nga lang siya walang solong movie sa MMFF maliban sa co-production nila ng Star Cinema para sa “Pagpag” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.