Fatty liver dahil sa processed meat | Bandera

Fatty liver dahil sa processed meat

AFP - March 26, 2018 - 07:45 PM

KUNG meron kang fatty liver pero hindi ka naman tomador (read: manginginom ng alak), ang kaso mo ay dahil sa sobrang pagkain ng mga processed meat o mga mapupulang bahagi ng karne.

Kung ganyan ang sitwasyon mo, wala ka ring pinagiba sa merong alcoholic fatty liver. At dahil diyan, pareho lang kaya na di maganda ang kondisyon ng kalusugan.

May pag-aaral sa Israel na nagsasabing malaking kapakinabangan sa iyong kalusugan kung babawasan ang pagkain ng karne (lalo na yung mapupula) at mga processed meat dahil maiiiwas ka sa posibleng pagkakaroon ng non-alcoholic fatty liver disease (NAFLD).

May 800 kalahok na may edad 40 hanggang 70 ang sinuri ng School of Public Health, Faculty of Social Welfare ang Health Sciences, para Makita ang magandang dulot nang hindi pagkain ng processed at red meat.

Inatasan ang mga kalahok na iulat ang dami ng kanilang pagkain ng karne at paraan ng kanilang pagluluto, kung ito ay prito, inihaw, kung ito ay well done o very well done, dahil nagdudulot ang mga ito ng pro-inflammatory compounds, heterocyclic amines (HCAs).

Nadiskubre ng grupo na ang mga kalahok na may mataas na pagkain ng karne ay kadalasang lalaki, medyo bata pa, at may mataas na body mass index (BMI) at caloric intake at masamang metabolic profile.

Dahil dito, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng NAFLD at insulin resistance ang mga malakas kumain ng red at processed meat.

Bukod pa rito, mas mataas din ang posibilidad na magkaroon ng insulin resistance ang mga kalahok na kumukonsumo ng karne na niluto gamit ang unhealthy methods at mga na-diagnose ng NAFLD na kumukonsumo ng mataas na lebel na HCAs.

“Although meat is rich in nutrients such as protein, iron, zinc and vitamin B12, the previous research has also suggested red and processed meat should be eaten in moderation, with a high consumption also linked to other chronic diseases such as cancer, type 2 diabetes and cardiovascular disease,” sabi ng pag-aaral.

Dahil dito, rekomendasyon ng mga mananaliksik ay bawasan ang pagkain ng red at processed meat sa diet, at palitan ito ng “white meat” kagaya ng manok o turkey o isda.

Mas mabuting steamed lang ang pagkakaluto o nilaga imbes na prito o inihaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending