Magulang ng mga akusado sa Atio hazing nais manatili ang mga anak sa NBI
HINILING ng mga magulang ng 10 miyembro ng Aegis Juris Fraternity na kinasuhan sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III na hayaang manatili ang kanilang mga anak sa kustodiya ng sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sa isang sulat kay NBI Director Dante Gierran, sinabi ng mga magulang na hindi ligtas ang kanilang mga anak sa ilalim ng Manila Police District (MPD).
“Our children will not be safe under the custody of MPD. We wish that you will not place the safety and lives of our children under imminent danger by allowing the transfer of their custody to MPD,” sabi ng mga magulang sa kanilang sulat.
Idinagdag nila na hindi nagpakita ang mga operatiba ng MPD ng warrant of arrest o search warrant nang sila ay pumasok sa bahay ng isa sa mga akusado na si Ralph Trangia.
“Thus, the operatives of the MPD and/or their higher officers who authorized them to unlawfully enter and search the house of accused Trangia are obviously criminally and administratively liable for the same,” sabi nila sa sulat.
Anila, nakatakdang magsampa ang mga magulang ni Trangia ng kaso sa Office of the Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Officers.
Kabilang sa mga pumirma sa sulat ay sina Antonio at Rosemari Trangia, magulang ni Ralph; Ariel at Josephing Macabali, magulang ni Joshua Joriel Macabali; Jeriel at Mary Ann Hipe, magulang ni Axel Munro Hipe; Herbert at Michelle Rodrigo, magulang ni Danielle Hans Rodrigo; Armando at Nenita Ramos, magulang ni Robin Ramos; Shih Chun Chan at Jennifer Chan, magulang ni Mhin Wei Chan; Artemio at Ludivina Balag, magulang ni Arvin Balag; Marcelino at Muriel Bagtang, magulang ni Marcelino Bagtang Jr.; Leonora Onofre, nanay ni Oliver John Audrey Onofre at kinatawan ni Ma. Rondeen Ramos, nanay ni Jose Miguel Salamat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.