Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ay nagsanib-pwersa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Commission on Women (PCW)
para sa CineMarya, isang festival ng short films tungkol sa mga kababaihan.
“The festival aims to tell stories of Filipino women, more than their beauty, but their strength and passion, rising above the prejudice and struggles in society,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño sa launching ng event nitong Biyerrnes sa FDCP Cinematheque Center Manila.
Dumalo sa launching ng CineMarya sina DILG Asec. Marjorie Jalosjos at Chief of Corporate Affairs and Information Resource Management Division of the Philippine Commission on Women na si Honey Castro.
Sa unang taon nito, magbibigay ang CineMarya ng seed money na P100,000 sa mapipiling participants mula edad 18 hanggang 30 para makapag-produce ng 10 to 20-minute short films tungkol sa women empowerment at iba’t ibang roles ng mga kababaihan sa lipunan at awareness tungkol sa social issues on women at equality.
Ang festival na ito ay bukas para sa filmmakers na hindi pa nakakagawa ng isang buong pelikula o dokumentaryo.
Bilang bahagi ng festival, ang FDCP ay gagawa ng educational component para sa sampung finalists ng CineMarya sa pamamagitan ng pagbibigay ng two slots (para sa direktor at isa pang representative) para sa FDCP
Filmmaking Workshop Series – Planting Seeds at Film Industry Conference kasabay ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.
Ang mga mapipili ay magkakaroon ng pagkakataong maisama sa CineMarya film camp, 2-day intensive filmmaking workshop sa Rizal na kasama ang filmmakers, PCW representatives, at iba pa.
Ang producer at direktor ng bawat entry ay magiging fellow’s ng intensive program na ito para sa project development upang mas mailahad ng mabuti ang women empowerment.
Sa lahat ng gustong sumali, maaaring ipasa ang kanilang entries sa FDCP office simula Abril 1 hanggang Hunyo 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.