Taga-Santa Ana, Maynila naka-jackpot ng P104.2M sa Super Lotto
Isang mananaya sa Santa Ana, Maynila ang nanalo ng P104.2 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola kagabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Pedro Gil, Santa Ana.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa winning number combination na 44-24-37-27-48-09.
Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.
Samantala, nanalo naman ng tig-P70,000 ang 20 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,160 naman ang 1,057 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 21,049 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.