GF ni Jake Zyrus nagseselos daw sa mga fans; hiwalay na? | Bandera

GF ni Jake Zyrus nagseselos daw sa mga fans; hiwalay na?

- March 26, 2018 - 01:07 AM

SHYRE AQUINO AT JAKE ZYRUS

MASAYA at makulay pa rin ang lovelife ngayon ni Jake Zyrus. Nilinaw ng transman international singer ang balitang hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si Shyre Aquino.

Pansin kasi ng kanyang social media followers, hindi na siya masyadong nagpo-post ng litrato nila ng karelasyon sa Instagram kaya ang hula ng mga ito ay nag-break na sila.

“I know hindi naman ako masyado nagpo-post about it pero siyempre meron naman po. Lumabas naman na kami pero ‘yun na nga, sabi ko noon, mas prefer namin ‘yang hindi naman sa private like kahit na naka-private ‘yung account niya, nagpo-post siya ng pictures namin,” ang pahayag ni Jake sa isang panayam.

“Ako, I remain, and she understands it, I remain my account na siyempre as an artist pictures ko siyempre, ‘yun ‘yung gusto makita ng mga fans. She understands that so we don’t really keep that a hundred percent private
pero we like it the way it is – na kung ano ‘yung ginagawa namin,” sey pa ng singer nang mag-renew siya kamakailan ng kontrara sa Star Music.

Natanong si Jake kung hindi ba nagseselos si Shyre kapag may mga fans na lmalapit o nakikipag-flirt sa kanya? “Kasi siya ‘yung tao na nakakaintindi dahil nagkakilala po kami isa po siyang tagahanga. Fan po siya.

“Dati po siyang kasama sa Chasters noon po nu’ng Charice pa (ako). So alam naman niya, siya pa ‘yung nag-e-encourage sa akin. Siya pa ‘yung nagsasabi na, ‘o magpost ka kasi ng ano’ kasi alam niya daw ‘yung feeling. Siya pa
‘yung nagsa-suggest kung ano nakakakilig sa fans. Tatawagin pa raw ng
‘baby.’ Naiintindihan niya po.

“Siyempre alam naman natin ang mga limit pero as long as nandoon ‘yung
limitasyon and trust, ‘yun ‘yung naman po ang nakikita sa kanya. Never
naman pong nagkaroon ng problema,” aniya pa.

Para sa lahat ng fans ni Jake, abangan n’yo ang bago niyang ilalabas na
album kung saan mapapakinggan ang mga kantang malapit sa kanyang puso. “Ito
‘yung mga gusto kong songs na maririnig nila. And happy ako para sa OPM din
kasi ito ‘yung songs na dapat talaga naririnig natin araw-araw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending