Du30 ipinag-utos ang pag-aresto sa operator ng Dimple Star bus
IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang pag-aresto sa operator ng Dimple Star bus at lahat ng mga kolorum na bus matapos namang bumisita sa pinangyarihan ng aksidente sa Occidental Mindoro kung saan 19 na katao ang nasawi.
“Pinahuli ni PRRD operator and pinahuli nya ang lahat ng colorum,” sabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.
Dinalaw din ni Duterte ang mga nakaligtas na pasahero ng Dimple Star na nananatili sa ospital.
Base sa ulat, pinapakansela na rin ni Duterte ang prangkisa ng Dimple Star bus, na nauna nang pinatawan ng 30-araw na suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Tinatayang aabot ssa kabuuang 118 bus ang pag-aari ng Dimple Star bus.
Umabot sa 19 ang nasawi, samantalang 21 iba pa ang sugatan matapos mahulong sa bangin ang bus ng Dimple Star bus sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending