Young actor sobrang seloso, GF na aktres malapit nang masakal | Bandera

Young actor sobrang seloso, GF na aktres malapit nang masakal

Cristy Fermin |March 23,2018
facebook
share this

Young actor sobrang seloso, GF na aktres malapit nang masakal

Cristy Fermin - March 23, 2018 - 12:50 AM

AYON sa mga mapagmasid na madalas na nakakasama ng isang magka-loveteam ay posibleng hindi magtagal ang kanilang relasyon. Baka raw masakal ang babae dahil sa sobrang pagiging seloso ng young actor.

Bagay na bagay pa naman sila, maganda ang young actress at guwapo naman ang lalaki, kaya lang ay nararamdaman na ngayon pa lang ng mga nakapaligid sa kanila na maagang matatapos ang kanilang pagmamahalan.

Kuwento ng isang source, “Kakambal ng pagiging seloso ang insecurity. Ano pa naman kaya ang ikai-insecure ng young actor, samantalang solong-solo lang naman niya ang love nu’ng girl?

“Bakit kailangan pa niyang magselos, e, wala naman siyang kaagaw? May mga may gusto nga siguro sa girl dahil maganda naman talaga siya, pero dahil sila na nga, e, kinikimkim na lang ng mga lalaking ‘yun ang feelings nila para sa girl!” simulang kuwento ng aming impormante.

Sa kanilang pinagbibidahang serye ay alam na agad ng mga production people kapag magkaaway ang magka-loveteam. Kapag break na nila ay nagkakani-kanya sila ng lugar.

“Halatado ‘yun! Oo nga at hindi naman apektado ang trabaho nila, e, madaling mapapansin kapag may away o tampuhan sila. Hindi sila nag-uusap, hiwalay sila palagi, samantalang kapag wala silang pinag-aawayan, e, para silang mangga at bagoong na hindi mo mapaghihiwalay.

“Ang kadalasang reason ng away nila, e, ang pagseselos ni lalaki, kahit ano na lang, kahit yata langgam, e, pinagseselosan niya!

“Sobrang seloso ng guy, wala sa lugar ang pagseselos niya, kaya hindi nakapagtataka kung one day, e, hiwalayan na siya ng girl. Mahirap magkaroon ng girlfriend na nagger, pero mas mahirap magka-boyfriend na seloso at basta na lang naninita nang walang dahilan!

“Sayang, bagay na bagay pa naman sila, saka maraming nagkakagusto sa loveteam nila, impernes! Pero kung ganyan naman kaseloso ang lalaki, e, baka maumay na rin sa kanya ang girl at umali, este, umalis na sa piling niya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sinu-sino sila? Bigay na bigay na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending