Bus naaksidente sa Occidental Mindoro; 19 patay, 21 pa sugatan
PATAY ang 19 na katao, samantalang sugatan naman ang 21 iba pa nang bumangga ang isang pampasaherong bus sa mga harang ng isang tulay at nahulog sa 15 lalim na bangin sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro kagabi, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Senior Supt. Romie Estepa, Occidental Mindoro police director, na binabagtas ng Dimple Star Bus ang kahabaan ng national highway sa Barangay Batong Buhay ganap na alas-9 ng gabi nang mabangga ng driver ang isang bahagi ng Patrik Bridge at nawalan ng kontrol sa minamanehong bus.
Base sa inisyal na ulat, dead on the spot ang 15 pasahero sa pinangyarihan ng aksidente sa Sitio Yapang samantalang dinala naman ang mga sugatan sa ospital sa mga bayan ng Sablayan at Mamburao.
Idinagdag ni Estepa na kabilang sa mga nasawi ay ang driver at ang konduktor ng bus.
Galing ang bus mula sa bayan ng San Jose at papunta sana ng Metro Manila nang mangyari ang aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.