Patay sa sunog sa Manila Pavilion Hotel umakyat na sa 5
UMAKYAT na sa lima ang mga nasawi matapos sumiklab ang sunog sa Manila Pavilion Hotel and Casino sa kahabaan ng UN Avenue, Ermita Linggo ng umaga.
Sa isang press conference, sinabi ni Twinkle Valdez ng Philippine Amusement and Gaming Corpation (Pagcor) na lima na ang namatay sa 24-oras na sunog, samantalang nananatiling kritikal ang isa pa sa Manila Doctors Hospital.
Idinagdag ni Valdez na narekober ang mga labi ng ikalimang nasawi malapit sa CCTV Room sa gaming area ng Pagcor.
Nauna nang kinilala ng mga otoridad ang apat sa mga namatay na sina John Mark Sabido, Billy de Castro, Jun Evangelista, at Marilyn Umadto.
Samantalan, sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na naapula ang apoy ganap na alas-10:56 ng umaga.
Idineklarang under control ang sunog ganap na alas-8 ng umaga o halos isang araw matapos itong sumiklab ganap na alas-9:30 ng umaga. Umabot ang sunog s Task Force Bravo.
Nakatakda naman ang imbestigasyon ng BFP Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.