INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong ipatupad ang national ID system sa bansa.
Sa botong 17-2, pinaboran ng mga senador ang Senate Bill No. 1738 o “An Act Establishing the Philippine Identification System.”
Tanging sina Sen. Francis Pangilinan at Sen. Risa Hontiveros ang bumoto laban sa panukala.
Nauna nang inaprubahan ang kaparehong panukala noong Setyembre 2017.
Sa ilalim ng panukala, magkakaroon lamang ng isang ID na tatawaging Philippine Identification System o PhilSys.
Nakalagay sa national ID ang PhilSys Number (PSN), pangalan, kapanganakan, tirahan at fingerprint ng isang indibidwal.
“The PhilID shall serve as the official government-issued identification document of cardholders in dealing with all national government agencies, local government units, government -owned or controlled corporations, government financial institutions and all private sector entities,” ayon sa panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending