Palasyo sinuspinde ang klase sa MM dahil sa transport strike
SINUSPINDE ng Palasyo ang klase Metro Manila sa lahat ng antas ngayong hapon matapos naman ang isinagawang transport strike na naglalayong tutulan ang isinusulong na jeepney modernization program.
Sa isang pahayag, sinabi ng opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea, epektibo ang suspensyon ng klase ganap na alas-2 kahapon.
“This is to announce that classes at all levels in Metro Manila have been suspended today, March 19, at 2pm,” sabi ng opisina ni Medialdea sa isang advisory.
Kagabi, tanging si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas, bagamat ilang paaralan din ang nagdeklara ng walang pasok.
Kasabay nito, sinabo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na irerekomenda ng Palasyo ang pagsususpinde ng klase mula bukas hanggang Biyernes sakaling ituloy ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang tigil-pasada sa buong bansa sa susunod na mga araw.
“If and when Piston pushes through with its threat to continue its nationwide strike, despite its unsuccessful staging today, we will call for a class suspension in Metro Manila starting tomorrow, March 20 until Friday, March 23,” ayon pa kay Roque.
Idinagdag ni Roque na para sa ibang lugar sa bansa, ipinauubaya na lamang ng Malacanang sa mga local government units (LGUs) na apektado ng tigil-pasada kung magkakaroon ng suspensyon ng klase.
“We appeal for patience and understanding, especially those commuters who were duly inconvenienced by the strike,” ayon pa kay Roque.
Iginiit naman ni Roque na tuloy pa rin ang jeepney modernization program ng gobyerno.
“We, however, remain committed to modernize our public utility vehicles. We see this as one of the long-term solutions to decongest our streets with dilapidated and smoke-belching jeepneys,” sabi pa ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.