Regine kay Mark: Happy ako na malaya na siya, ang hirap nang nagtatago ka! | Bandera

Regine kay Mark: Happy ako na malaya na siya, ang hirap nang nagtatago ka!

Ervin Santiago - March 19, 2018 - 12:05 AM


SALUDO si Regine Velasquez sa katapangan at pagpapakatotoo ng isa sa mga anak-anakan niya sa showbiz na si Mark Bautista.

Para sa Asia’s Songbird, hindi madali para sa isang tulad ni Mark ang aminin sa buong universe ang kanyang tunay na pagkatao, lalo pa’t posibleng ang ma-ging kapalit nito ay ang pagkawala o pagkasira ng kanyang career.

Nakachika namin si Regine sa Metro Manila leg audition ng bagong singing competition sa GMA, ang The Clash sa SM Sky Dome last weekend at dito nga namin naitanong sa kanya kung ano ang naging reaksyon niya sa pag-amin ni Mark na isa siyang bise-xual.

“Hindi ko nabasa yung book, but I’m happy for him. You know for the longest time he has been thinking about it (coming out). I mean you know yung mga ganu’ng desisyon hindi yun pinag-iisipan ng ganu’n lang, eh.

“I’m sure he has been thinking about it. He’s been discovering things about himself and finally eto na yun sinabi na niya na eto ako talaga. And as far as I know maganda naman yung naging feedback sa ibang tao though meron din namang hindi,” pahayag ng Songbird.

“Pero sa akin personally I’m just happy he’s back, I’m happy he came out. Ang importante sa akin yung feelings niya after this writing, okay this is what I will do with my life.

“Kasi ang hirap yung nagtatago ka ha, yung meron kang tinatago na hindi ka kumportable and since nasa showbiz ka ang daming pinapagawa sa ‘yo na you’re against doing, so parang I’m just happy that he came out.

“And now he can be comfortable with whatever it is he wants to do with his life without being afraid na someone will judge,” aniya pa.

Hindi raw naputol ang friendship nila ni Mark, “He kept in touch with me, he would text me. Baka iniisip n’yo naman na he disappointed me may mga ganu’n eh. But I just want him to know that I am not at all disappointed. I am actually very happy.”

Kilala si Regine bilang gay icon kaya tinanong siya kung hindi ba niya naamoy ang tunay na Mark Bautista? “Not at all. Hindi eh. Parang hindi ko masyadong…siguro kasi anak-anakan ko kaya hindi ko masyadong tinataas yung radar ko. Normally I’m really good at telling kasi ako naman yung gauge eh.

“Wala akong naramdaman. Hindi ko naman natanong kung meron ka bang album ko? Hindi mo naman matatanong yung ganu’n eh. Kasi pag ibang tao madali, may album kita no? Pag meron yun na yun!” natatawang chika pa ni Regine.

Samantala, super exci-ted na ang Songbird sa nalalapit na pagsisimula ng The Clash, ang pinakabonggang singing search ng GMA na didiskubre sa pinakamagagaling na singer sa bansa. Hamunan ang magiging laban ng mga contender dito kaya do or die ang showdown sa bawat episode.

Ayon kay Regine, ang powers at ganda ng boses talaga ang puhunan sa pagsali sa The Clash, kaila-ngang patunayan ng bawat contender kung gaano ka-powerful ang kanilang voice at kailangang matalo nila ang mapipili nilang ka-clash among the other contestants.

Kamakailan, sunud-sunod ang ginanap na auditions sa Cebu, Baguio at Davao na talagang sinugod ng mga kababayan nating amateur and professional singers.

Sa Metro Manila leg ng The Clash auditions, marami ring magagaling ang sumali. May girl, boy, bakla, tomboy, may bata, matanda at mga millennial. Nagsilbing judge sa mga ginanap na audition sina Jay Durias ng Southborder, Direk Bert de Leon and award-winning singer-composer Vehnee Saturno.

“I am amazed with the number of people who auditioned kasi marami pa rin talaga ang gustong ipakita ang talent nila sa pagkanta sa buong mundo,” ani Regine na talagang naglalaan ng panahon para personal na masaksihan ang ginaganap na auditions para sa bago niyang talent show sa Kapuso network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisilbing judge sa The Clash sina Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista. Ang ginaganap na malawakang auditions para sa TC ay sanib-pwersang isinasagawa ng GMA Entertainment Content Group at GMA Regional TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending