Kris ipagdarasal ng netizens: Sana'y umuwi siya ng Pinas na maayos ang kalusugan! | Bandera

Kris ipagdarasal ng netizens: Sana’y umuwi siya ng Pinas na maayos ang kalusugan!

Reggee Bonoan |March 19,2018
facebook
share this

Kris ipagdarasal ng netizens: Sana’y umuwi siya ng Pinas na maayos ang kalusugan!

Reggee Bonoan - March 19, 2018 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

KALIWA’T kanan ang reaksyon ng manonood ng seryeng Hanggang Saan sa eksenang pinosasan si Arjo Atayde bilang si Atty. Paco Alipio ng mga pulis matapos mabaril ang hired killer na i-nupahan ni Jacob (Ariel Rivera) para iligpit sina Anna (Sue Ramirez), Domeng (Yves Flores) at Sonya (Sylvia Sanchez).

Naaliw lang kami dahil ang tagapagtanggol daw ni Sonya Alipio ay siya namang makukulong ngayon sa kasong pagpatay. Pero siyempre sa paglilitis ng kaso ay malalaman namang self-defense ang ginawa ni Paco para sa kanila ni Anna.

Iisa na lang ang kakampi ni Jacob, ang hepe ni Jojo (Rommel Padilla) na inutusang patayin na ang pamilya Alipio kasama na si Anna.

Inakala ng mga nanonood ng serye na mabubuking na ni Jacob na may sabwatan sina Sonya at asawang si Jean (Teresa Loyzaga) dahil nasundan niyang magkausap ang dalawa sa isang restaurant base na rin sa sitsit ng kanyang upahang tao.

Pero mabilis ang pakiramdam ni Sonya dahil bigla niyang inaway si Jean nang makita niya si Jacob na papalapit na sa kanilang dalawa.

Kakayanin pa kayang lusutan ni Jacob ang lahat ng kasalanan niya pag lumantad na sina Katrina (Jenny Miller) at Marjorie (Sue Prado) para sabihin na ang lahat ng alam nila.

At ano kaya ang gagawin ni Sonya kapag nalaman niyang makukulong ang anak niyang si Paco? Abangan ang Hanggang Saan pagkatapos ng Asintado sa ABS-CBN.

q q q

Sa pag-alis ni Kris Aquino kahapon ng Pilipinas patungo sa ibang bansa ay hindi niya kasama sina Joshua at Bimby dahil may pasok pa sa school ang mga ito.

Kasama ni Kris umalis sina Alvin Gagui, Bincai, Rochelle at ang doktor niya para samahan siyang magpa-check-up dahil sa allergy niya na pabalik-balik at hindi raw niya alam ang dahilan.

Maraming followers si Kris na nagsabing ipagdarasal nila na sana’y maging maayos na ang health condition ng Social Media Queen.

Sandali lang mawawala si Kris sa bansa dahil may mga naiwan pa siyang commitments dito pero may sapat na araw naman bago niya ito i-shoot para sa webisodes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod dito ay kailangan na rin niyang simulan ang bago niyang horror movie na ididirek ni Adolf Alix mula sa Unitel for iflix.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending