Taktikang diborsyo | Bandera

Taktikang diborsyo

Lito Bautista - March 16, 2018 - 12:10 AM

NANGYAYARI ang kahangalan sa buhay. Marami ang nawawala sa katinuan, kaya’t di matagpuan ang sarili. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (2 Kro 36:14-16, 19-23; Slm 137; Ef 2:4-10; Jn 3:14-21) sa ikaapat na linggo ng Kuwaresma.

Natagpuan na ba nina Aquino, Abad, Garin, Sereno, atbp., ang kanilang sarili paggising kaninang umaga? Napakahiwaga ng paraan ng paniningil ng langit sa malalaking kasalanan, lalo na ang pang-aapi sa mga bata, matatanda’t (pondo ng senior citizens) ulila. Gaya ng pugong lumilimlim sa mga hindi nito initlog ang nag-iipon ng yaman mula sa kawalang-katarungan, iiwan siy(l)a ng kayamanan (poder) at isa na lamang hangal. Jer 17:11. Hindi nagtatapat, di umaamin. Patahimikin ang mga labing sinungaling, mayayabang. Salmo 31:19

Salamat Noynoy. Nang dahil sa iyo, nagulo ang Korte Suprema (nang dahil kay Noynoy, nagulo rin ang Department of Health, Budget and misManagement, PNP SAF, Senado’t Kamara, Customs, pork barrel at DAP, atbp. Hindi nangyari ito noong termino ni GMA). May naniniwala na pinatay sa konsume’t poot si Corona; na, na-EJK naman ng Senado. Huwag kang papatay, utos ng Diyos sa kalatas ni Moises.

Ang Diocese of Novaliches lamang ang nakatutok sa halalan sa barangay, kaya nga may Public Affairs Ministry. Pero, mula sa tropang Mindanao (na naman?), susog muling ipagpaliban ang halalan, sa mababaw na dahilang narkotiko kapitanes at plebesito. Kahangalan. Task Force Charlie ang alarma ng sunog ng debate sa Kamara sa nakaumang na pagpapaliban ng halalan sa barangay.

Nais ng ilang kongresista na ituloy na ang eleksyon sa barangay. Nakapagbaba na kasi sila ng pera sa mga kapitan at kagawad na kanilang inaasahang “magbabayad” sa eleksyon sa 2019. Kung sa Oktubre, at di Mayo, ang halalan, magbababa na naman sila ng pera, ayaw man nila o gusto (no choice). Para sa mga trapo, mahalaga ang halalan sa 2019 dahil panguluhan at prime minister ang tumbok nito.

Ang diborsyo ay panlito lang ng mga kaalyado ni Digong. Di sila nakatuntong sa lupa at mas lalong wala sila sa alapaap dahil di ganap (perpekto) at tapat ang kanilang puso sa taumbayan. Iilan na lamang ang nagpapakasal.
Marami ang live-in. Di nila alam na buwan-buwan ay nagpapalit ng ka-live in ang mahihirap. Di nila alam na linggu-linggo ay kayang magpalit ng kinakasama ang mga bakla’t tomboy.
Ang mga ito’y nagaganap sa mga barangay sa North Caloocan.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Santa Barbara, Baliwag, Bulacan): Nais lang na mayakap ni Claire ang kanyang ama. Nais niyang mangako ito na di siya iiwan. Pero, malayo na ang ama sa anak. Di kasal ang mga magulang dahil mahirap lang sila. Sa diborsyo, kaya ng middle class ang paghihiwalay. Marami pang Claire ang luluha o mapapahamak.

PANALANGIN: Meron ka bang nais na ipagdasal? Sabihin mo sa Akin ang kanyang pangalan. Ano ang nais mong hilingin sa kanya? Kanila? Healing priest Mar Ladra, Diocese of Malolos (Personal na Pakiusap kay Jesus sa Santisimo Sakramento)

MULA sa bayan (0916-5401958): Ibalik sa P37 ang NFA rice. …1266, Lahug, Cebu.

Napakataas na ng presyo ng infant formula. Digong, tabang. Wala na kaming maaasahan sa LGU. …8770 Bagacay, Tacloban City

Di kami umaasa na mababayaran kami ng gobyerno o ng Dengvaxia. Matagal ito. Nais namin, makulong na lang si Noynoy. …4765 Alas-asin, Marivelez, Bataan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending