Female celeb nilunok lahat ng masasamang sinabi laban kay mister, nakipagbalikan din
MARAMING naiinis sa isang female personality na nilulunok ngayon ang maaanghang na salitang pinagsasabi niya nu’ng mga panahong nawiwindang ang takbo ng relasyon nila ng kanyang mister.
Sobrang daming pinakawalang masasakit na salita ng babaeng personalidad laban sa kanyang mister at sa pinagdududahan niyang karelasyon nito. Sunog na sunog ang dalawa habang talak nang talak ang babaeng akala mo palaging nasa harap ng mga camera sa kanyang mga interbyu.
Kuwento ng aming source, “Ayan na nga ba, e, kakainin din naman pala niya ang mga salitang ibinato niya nu’n sa lalaki! Sana, hindi na lang siya nagpadala sa emotion niya!
“Daldal siya nang daldal nu’n, kung anu-anong akusasyon ang inilabas niya, pagkatapos ngayon, e, ganyan lang naman pala ang kauuwian ng lahat!” simulang komento ng aming impormante.
Sobra-sobra kuno ang pagmamahal ng babaeng personalidad sa kanyang mister, hindi niya kayang mawala ang lalaki, kaya agad-agad siyang lumabas para matigil ang pakikipagrelasyon nito sa ibang babae.
“Kasi naman, nagpabigla-bigla siya sa pagdedesisyon. Kung ‘yun ba naman, e, kinausap niya na lang nang masinsinan ang husband niya, e, di sana, walang ganitong reaction ang mga tao kapag nakikita silang magkasama?
Sa sobrang kahihiyan siguro niya, e, wala siyang inilalabas na pictures kapag magkasama sila, natatakot siya sa mga bashers, baka kasi ipalunok sa kanya pabalik ang mga salitang pinakawalan niya nu’n laban sa mister niya.
“Kaya sa susunod, isip-isip muna, huwag agad-agad magkakakatsang, dahil baka isang araw, e, kainin niya uli ang mga salitang ibinato niya!
“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pangaralan n’yo ang babaitang ‘yan, ha? Kahit wala ‘yun sa ipinagbabawal sa mga babaeng nagseselos, utusan n’yo siyang maghunos-dili!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.