Kasambahay holiday aprub na sa huling pagbasa sa Kamara
Leifbilly Begas - Bandera March 13, 2018 - 06:05 PM
Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang special non-working day para sa mga kasambahay tuwing Enero 18.
Sa botong 225-walang tumutol at walang abstention, inaprubahan ng Kamara ang House bill 6285.
Ang holiday na ito ay tatawaging Araw ng Kasambahay.
Kung tatapat sa araw ng Sabado o Linggo ang holiday na ito, ililipat ito sa pinakamalapit na Biyernes.
Inatasan ang Department of Labor upang ipatupad ang panukala kapag naging batas ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending