Sumalang na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage. Kanina ay tumayo si Albay Rep. Edcel Lagman, Gabriela Rep. Emmi de Jesus, at House Deputy Speaker Pia Cayetano para sa sponsorship speech ng House bill 7303. “A divorce law cannot undo centuries of dearly held Filipino customs and traditions honoring and celebrating marriage and the family. Marriage and the family are and will still be at the heart of the Filipino way of life,” punto ni Lagman. Sa ilalim ng panukala, daragdagan ng opsyon ang mga mag-asawa na nais ng maghiwalay upang sila ay muling makapag-asawa. “Despite the eventual institution, hopefully, of a law on absolute divorce and dissolution of marriage, the State shall be steadfast in protecting marriage as a social institution and as the foundation of the family,” ani Lagman. Bago magsimula ang pagdinig ng korte sa isang petisyon ng divorce, mayroong mandatory na anim na buwang cooling period kung saan tatangkain na pagkasunduin ang mag-asawa. Pinasinungalingan naman ni Lagman na magkakaroon ng drive-thru o quickie divorce sa ilalim ng kanilang panukala. Hindi rin papayagan ang pagpilit ng isang asawa sa kanyang kapareha na makipaghiwalay na. Ang mga mapatutunayang gumawa nito ay maaaring makulong ng limang taon at pagmumultahin ng P200,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.