Singer-actor iniiwasan ng katropa na parang may nakakahawang sakit | Bandera

Singer-actor iniiwasan ng katropa na parang may nakakahawang sakit

Cristy Fermin |March 12,2018
facebook
share this

Singer-actor iniiwasan ng katropa na parang may nakakahawang sakit

Cristy Fermin - March 12, 2018 - 12:15 AM

INIS na inis ang aming source dahil sa pinakahu-ling impormasyong nalaman nito tungkol sa kanyang hinahangaang singer-actor. Nabubuwisit ang aming impormante sa mga dating katrabaho-kaibigan ng kanyang idolo.

Ayon sa aming source, iniiwasan daw kasi ngayon ng kanyang mga dating katrabaho ang singer-actor, halatadong iwas na iwas ang mga ito sa kanya, mabuti na lang daw at maunawain ang singer-actor, kaya tahimik lang siya.

Kuwento ng aming source, “Mga plastic! Ayaw ba nila ‘yun, nagpakatotoo ang friend nila, mas gusto ba nilang kaibiganin ang isang taong mapagpanggap?

“Kesa naman sa mag-pretend ang kaibigan nila habampanahon, hindi ba sila natutuwa dahil naging matapang ang friend nila sa pagharap sa katotohanan? Dapat pa nga silang maging proud, di ba?

“Pero ano ang ginagawa nila ngayon, lantaran nilang iniiwasan ang kaibigan nila. Parang may nakahahawang sakit ‘yung tao kung iwas-iwasan nila!

“Naku, ‘no! Magsitigil sila! Kaya siguro sila nagkakaganyan, e, dahil hindi nila kayang gawin ang katapangang ipinakita ng friend nila!” inis na inis na pagmamarakulyo ng aming impormante.

Marami raw kasing nasagasaan ang katapa-ngan ng singer-actor, kumbaga, naunahan niya sa paglantad mula sa dilim ang mga kloseta d’yan.

“Bakit, naiinis ba sila dahil nagpakatotoo ang friend nila? Ano naman ang masama du’n, e, sa nahihirapan na siya sa pagpapanggap tungkol sa gender niya?

“At least, nakakatulog na siya nang walang ka-singhimbing ngayon! E, ang mga umiiwas ba niyang kasamahan at mga kaibigan, nakakatulog din ba ng kasingsarap na tulad ng sa kanya?

“Naku, tantanan n’yo kami, ‘no! Marami pa sa inyo ang kailangan nang humarap sa katotohanan! Lumabas na kayo sa pinagtataguan n’yong aparador, para makatulog na rin kayo nang mahimbing! Mga plastic!” naiinis pang pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakow naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, may kailangan pa bang clue para mahulaan n’yo kung sino ang singer-actor na iniiwasan ngayon ng kanyang mga kaibigan? Naman, naman, naman!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending