Female celeb walang pakisama, kapwa OFW tinatraydor | Bandera

Female celeb walang pakisama, kapwa OFW tinatraydor

Cristy Fermin |March 11,2018
facebook
share this

Female celeb walang pakisama, kapwa OFW tinatraydor

Cristy Fermin - March 11, 2018 - 12:35 AM

ISINUSUKA pala ng mga kababayan natin sa isang malamig na bansa ang ugali ng isang kilalang female personality. Nagtatrabaho siya du’n, marami siyang kasamahang Pinoy sa pinagtatrabahuhan niyang kumpanya, du’n nakilala nang husto ng mga kababayan natin ang kanyang ugali.

Sumbungera kuno sa management ang female personality, para siyang may suot na bayong sa ulo, dahil siya ang nagkakanulo sa mga kababayan nating nagtatrabaho du’n.

Kuwento ng isang source, “Nakailang lipat na siya ng pinagtatrabahuhan, hindi siya tumatagal sa company, ang tanong tuloy ng marami, e, kung umaalis ba talaga siya o siya ang pinaaalis?

“May attitude kasi ang babaeng ‘yun, hindi siya kasundo ng mga Pinoy na kasamahan niya, kasi nga, para siyang spy! Siya ang pailalim na nagsusumbong sa management ng mga ginagawa ng mga kasamahan niya!

“Wala siyang pakisama, magkamali lang ang kapwa niya Pinoy, e, agad na siyang nakasipsip sa mga boss, idinidiin pa niya ang mismong mga kababayan niya!” simulang kuwento ng aming impormante.

Puro nega ang kuwentong maririnig mula sa source tungkol sa babaeng personalidad. Umuuwi siya sa bansa paminsan-minsan, sinasamantala niya ang pagkakataon kapag nandito siya, lumalabas siya sa telebisyon bilang guest.

“Ayaw niyang mawala sa limelight, claim to fame kasi niya ‘yun, ipinagmamalaki niya sa mga kasamahan niya na aktres siya sa Pilipinas! E, anong klaseng aktres ba naman kasi siya?

“Ang nakakaloka pa, siya ang palasumbong sa mga bossing ng company, pero siya ang gumagawa ng mga milagro! Sino ba ang nag-uuwi ng mga pagkain sa pinagtatrabahuhan niyang resto?

“Sino ba ang madalas na nang-aaway ng mga kasamahan niya sa work, Pinoy man o porenero?

Nakakaloka ang babaeng ‘yun, sa totoo lang, kaya isinusuka na siya ng mga kababayan natin.
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ano ba ang isinisigaw n’yo kapag humahanga kayo sa isang tao? Geeeeeeee!!!!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending