Horoscope, March 11, 2018 | Bandera

Horoscope, March 11, 2018

Madam Sophia |March 11,2018
facebook
share this

Horoscope, March 11, 2018

Madam Sophia - March 11, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig muling sasaya ang pakikipag-relasyon pagsapit ng buwan ng Abril. Sa pinansyal, sa susunod na mga araw makapal na halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at gold ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Isa lang ang pormula upang umunlad at yumaman – ang mag-ipon. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng isang-libong-piso kada buwan bago gumastos. Sa pag-ibig, kapag marami ka ng pera, kusa ka na ring liligaya at magiging masaya rin ang inyong pamilya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam. Red at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ituloy mo lang ang naiisip mong negosyo, pagkakataon mo na upang yumaman. Sa pag-ibig, sundin ang mga mungkahi ng kasuyo, upang lalo pang umamis at sumarap ang iyong relasyon. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Violet at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Tama ang ginagaw among pagre-relaks. Sa pagninilay at paglilibang, mare-recharge ang iyong energy, muling gaganda at aaliwalas ang kapalaran. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat magdala ng dami, sa kanya mo mararanasan ang ligaya habang buhay. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag sarilinin ang suliranin. Kung hindi ka lalapit sa isang kaibigan, paano mo malulutas ang problema sa pera? Sa pag-ibig, wag dayain ang sarili, aminin mo ng mahal mo ang isang Scorpio! Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om”. Yellow at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo kang papangit. Ngiti ang susi sa isang masarap at romantikong relasyon. Ngiti rin ang susi upang ang suwerte sa larangan ng materyal na bagay ay tuloy-tuloy mo ng makamit. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, tapang din ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi, ngayong tag-araw, yayain siyang mag-swimming. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Mag hanap ng mga taong magaganda at guwapo. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, ang kaakit-akit na kapaligiran na maraming mga halaman ang lalo pang magpapasigla ng pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasang ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ipunin ang libido sa summer vacation. Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag katamaran ang mga bagay na pagkakaperahan, doblehin mo pa ang pagsisipag upang makamit ang pagyaman. Sa pag-ibig, wag masyadong utusan ang kasuyong masunurin, baka makahalata na siya na lagi mo na lang siyang ina-under. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Susuklian na ng langit ang mga pagsisipag na iyong ginagawa. Sa susunod na mga araw, mas malalaki at boggang-bonggang suwerte ang iyong matatanggap. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang Taurus na masipag. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Gray at silver ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Ipayapa ang isipan, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, meditation at pagyo-yoga ang magpapasulak ng iyong libido upang makarami ka at suwabeng marating ang climax. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Malapit na ang Holy Week, simulan na ang pagnilay. Sa mga lugar na malapit sa nature, mas lilinaw ang isipan kung paano malulutas ang mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa ang puso masarap na relasyon ang makakamit at sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending