Pia Wurtzbach napaiyak sa presscon ng My Perfect You
NAPAIYAK si 2016 Miss Universe Pia Wurtzbach sa presscon ng bagong pelikula ng Star Cinema na My Perfect You kung saan makakatambal niya si Gerald Anderson.
Naging emosyonal ang beauty queen-actress habang sumasagot sa tanong ng press tungkol sa mga pagbabago sa kanyang buhay at sa mga pinagdaanan niyang challenges sa buhay.
Inuulan ng blessings ngayon ang dalaga, bukod sa napakarami niyang endorsements at iba pang malalaking proyekto ay nabigyan din siya ng bonggang launching movie, ito ngang first movie nila together ni Gerald, ang “My Perfect You” na idinirek ni Cathy Garcia Molina.
Ayon pa kay Pia, sa dami ng hamon na hinarap niya sa buhay ay napakarami na rin niyang natutunan at nagpapasalamat siya sa Star Cinema sa pagbibigay sa kanya ng launching movie na maaari niyang ipagmalaki sa buong universe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.