Pacman binanatan ng netizens, nagkamali sa Pambansang Awit | Bandera

Pacman binanatan ng netizens, nagkamali sa Pambansang Awit

Ervin Santiago - March 11, 2018 - 12:10 AM

MANNY PACQUIAO

GRABE pala ang ginawang pamba-bash ng mga netizen kay Sen. Manny Pacquiao nang magkamali ito sa pagsasabi ng titulo ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Sa halip kasi na “Lupang Hinirang” ay “Bayang Magiliw” ang nasabi nito sa isang interview na may koneksyon sa plano niyang gumawa ng batas na magsusulong sa pagiging makabayan ng bawat Pilipino.

“May naisip nga ako, gusto kong magpanukala, mag-file dito sa Se­nate ng bill na ibalik ‘yung patriotism natin sa school. Kasi, nawala na, eh. Karamihan sa atin, Pilipino magtraydor sa kanyang kapwa at magtraydor sa kanyang bansa. So, we should teach that, ‘yung patriotism na mayroon tayong loyalty sa ating bansa.

“Kaya nga minsan, pag kumakanta ako ng ‘Bayang Magiliw’, naiiyak ako because mahal natin ang bansa natin dahil dito tayo, anuman ang mangyari, wala tayong ibang pupuntahan kungdi dito rin,” ang sabi ni Pacman sa napanood naming video clip ng kanyang interview na naka-post sa Twitter.

Dito na inokray ng mga netizens ang senador, sabi ng ilang nakapanood ng video, paano raw naging makabayan ang Pambansang Kamao kung ang title ng National Anthem ng bansa ay hindi niya alam.

May nagsabi rin na napaghahalata raw na hindi alam ni Pacquiao ang kanyang mga sinasabi dahil sa titulo nga lang ng Pambansang Awit ng Pilipinas ay hindi pa niya nasabi ng tama.

Komento naman ng isang netizen, “Kayo naman, masyadong mapagpuna. Parang Mayong Bulkan lang yan ni Mocha. In other words, ‘slip of the brain.’”

Sey naman ng isa pang basher ng senador, “Ay grabe siya oh! Naiiyak ako kasi Bayang Magiliw ang alam mong National Anthem. Pakantahin kaya natin siya ng Bayang Magiliw, kabisado kaya niya ang buong lyrics?”

May nagtanggol din naman kay Pacman sa kanyang pagkakamali, “Perfect kasi kayo, di ba? Ang tatalino n’yo, e! Kahit naman tayo, minsan nagkakamali rin sa Bayang Magiliw. Hindi naman ibig sabihin, nagkamali sa title wala nang alam!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending