Oconer nanguna sa Stage 6 ng Ronda Pilipinas 2018 | Bandera

Oconer nanguna sa Stage 6 ng Ronda Pilipinas 2018

Angelito Oredo - March 09, 2018 - 10:06 PM

IPINAKITA ni George Oconer ng Go for Gold ang kakayahan matapos nitong magwagi sa 111.8-kilometer Stage Six na nagsimula sa San Jose, Nueva Ecija at nagtapos sa Provincial Capitol ng Tarlac Biyernes habang napanatili naman ni Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance ang kapit sa pangkalahatang liderato sa Ronda Pilipinas 2018.

Pumangalawa ang 26-anyos na si Oranza sa tinanghal na stage winner na si Oconer sa parehas na tiyempo na 2 oras at 37.04 minuto.

Nangunguna pa rin si Oranza na may kabuuang tiyempo na 20:17:12.

Binalewala ng ipinagmamalaki ng Villasis, Pangasinan na si Oranza ang pananakit ng tuhod at kaliwang daliri matapos na sumemplang sa Camiling, Tarlac sa aksidenteng kinasangkutan din ni Roel Quitoy ng Go for Gold Developmental Team na nabundol naman ng motorcycle-riding marshal.

“Masakit na masakit. Sana gumaling ito sa mga susunod na lap,” sabi ni Oranza.

Patuloy na isusuot ni Oranza ang pulang LBC jersey ng overall leader sa isasagawa ngayon na Stage Seven individual time trial na magsisimula ganap na alas-8 ng umaga sa Tarlac Provincial Capitol at magtatapos sa Monasterio de Tarlac na nasa pinakatuktok ng bundok sa San Jose, Tarlac.

Unang pagkakataon naman para sa 25-anyos na si Oconer na magwagi sa lap sa 12-yugto na karera na hatid ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Sports, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling na may nakatayang P1 milyon sa tatanghaling kampeon.

“Masaya na ako na nakapanalo ng isang lap ngayon,” sabi ni Oconer, na ang pinakamagandang pagtatapos ay sa ikalawang puwesto noong 2015 sa likod ng tinanghal na kampeon na si Santy Barnachea ng Team Franzia.

Napanatili naman ni Oconer ang ikawalong puwesto sa overall standings sa 20:31:22.

Ang 32-anyos na si Morales, na asam ang makasaysayang ikatlong sunod na titulo sa Ronda, ay dumating kasama ang peloton na napag-iwanan ng siyam na segundo at nanatili sa ikalawa sa kabuuang 20:22:20.

Nahablot naman ng taga-Calumpang, Marikina City na si Morales ang isa sa intermediate sprint lap upang manatili sa overall sprint leader o bitbit ang asul na Petron jersey.

Nanatili si Ronald Lomotos ng Navy-Standard sa ikatlo (20:26:09), kasunod sina Jay Lampawog ng Go for Gold Developmental Team (20:28:25), Cris Joven ng Army-Bicycology (20:28:48) at Ronnel Hualda ng Go for Gold Developmental Team (20:29:47).

Nakatuntong naman sa Top 10 sina Navy-Standard John Mark Camingao (20:29:53) sa No. 7 at El Joshua Carino sa No. 9 sa 20:32:17.

Nagtamo rin si Irish Valenzuela ng CCN Superteam ng aksidente na binubuo ng malaking grupo ng mga rider sa huling bakbakan kung saan nagtampo ito ng bruised collarbone at sprained left wrist injury. Ang 2013 titleholder ay nanatili sa No. 10 overall sa 20:32:23.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasangkot din sa aksidente ang Army-Bicycology na si Marvin Tapic at Merculio Ramos na nagtamo ng gasgas at sugat subalit makakasakay sa isasagawa ngayong Sabado na karera.

Nanatili ang Navy sa No. 1 sa overall team race sa kabuuang oras na 81:23:35 sa unahan ng Go for Gold Developmental Team na may 81:53:13 at Army-Bicycology na may 82:10:37.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending