Camille sa bagong teleserye ng GMA 7: May kaba, kasi big fan ako ni Jodi! | Bandera

Camille sa bagong teleserye ng GMA 7: May kaba, kasi big fan ako ni Jodi!

|March 06,2018
facebook
share this

Camille sa bagong teleserye ng GMA 7: May kaba, kasi big fan ako ni Jodi!

- March 06, 2018 - 12:05 AM


BIG fan ni Jodi Sta. Maria si Camille Prats kaya grabe rin ang pressure sa kanya ng bagong daytime series ng GMA na Ang Forever Ko’y Ikaw bago mag-Eat Bulaga.

Makakatapat nito ang serye nina Jodi, Robin Padilla at Richard Yap sa ABS-CBN at si Camille nga at ang magaling na character actor na si Neil Ryan Sese ang gagawing panabong ng Kapuso Network sa kalaban.

Sey ni Camille sa presscon ng AFKI magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa pagsisimula ng kanilang show.

“I’m thankful because I am trusted with a project na ganito.Pangalawa, siyempre may kaba kasi I am a big fan of Jodi. Isa ako sa mga nanonood ng programa niya.

“I like her not only as an actress but also as a person.

“But I believe na marami namang audience. And you know, lahat tayo, itong GMA, having this morning slot, simple lang kami. Simple lang mahalin ang mga characters,” ang pahayag ni Camille.

Isa lang daw ang nais nilang ibigay sa mga manonood, ang magpasabog ng good vibes at kilig, “Lalo na nga sa mga kagaya ko na may mga pinagdaanang sakit sa buhay na minsan, hindi rin naman natin ginusto. There’s nothing wrong with moving on.”

Naniniwala rin si Camille na may laban naman ang bago nilang pang-umagang serye, “I know that slot is very strong. Yun na ang slot nila dati pero ako, naniniwala ako na we really have something wonderful to offer.

“If there is one show na ginawa ko simula dati and that I am proud of, ito ang masasabi ko na programa na naging parte ko. Ibebenta ko sa lahat, ipagsisigawan ko na sobrang proud ako,” aniya pa.

Inamin din ni Camille na nagdalawang-isip siyang tanggapin ang nasabing proyekto lalo na’t kakapanganak pa lang niya, “Kasi siyempre, I want to go back to my pre-pregnancy weight.

“Kaya nang i-offer sa aking itong show, parang naisip ko, ‘Agad? Parang totoo po ba, dalawang buwan pa lang si Nala (bunsong anak).

“Tapos na CS (caesarean section) pa ako, hindi ako puwedeng mag-workout. Hindi ako puwedeng mag-diet kasi I’m breastfeeding. Parang ang dami-raming naghahalu-halo sa isip ko, ‘Kaya ko ba? Kaya ko bang panindigan?” ani Camille.

Ang ending, tinanggap ng aktres-TV host ang hamon at in fairness, sa trailer pa lang ay ramdam na ramdam mo na ang lakas at tindi ng chemistry nina Camille at Neil Ryan na first time ring magpapaka-matinee idol sa TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa March 12 ang Kapuso daytime series na Ang Forever Ko’y Ikaw sa direksyon nina Tata Betita and Jojo Nones. Kasama rin dito sina Bruno Gabriel, Ayra Mariano, Cai Cortez, Archie Alemania, Odette Khan at Jude Paolo Diangson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending