Sikat na female celeb hawak pa rin sa leeg ni mommy, bantay-sarado kapag kasama ang BF | Bandera

Sikat na female celeb hawak pa rin sa leeg ni mommy, bantay-sarado kapag kasama ang BF

Cristy Fermin |March 03,2018
facebook
share this

Sikat na female celeb hawak pa rin sa leeg ni mommy, bantay-sarado kapag kasama ang BF

Cristy Fermin - March 03, 2018 - 12:30 AM

HANGGANG ngayon pala, sa kabila ng kanyang edad na lampas-lampasan na sa pag-aasawa, ay para pa ring ibon na nakakulong sa hawla ang isang pamosong female personality. Nakabilanggo pa rin siya sa hawlang ginto.

Hindi pa rin siya nakapagdedesisyon sa kanyang sarili, hawak pa rin siya sa leeg ng kanyang ina, kaya maraming naaawa sa sikat na babaeng personalidad.

Komento ng aming source, “Ano pa ba namang klase ng tulong ang gustong tanggapin ng family niya mula sa kanya? Aba, e, para na siyang kalabaw na isiningkaw sa bukid nang ilang dekada, a?

“Binago na niya ang kabuhayan showcase ng pamilya niya, kinalimutan na nga niya ang personal happiness niya, e! Ano pa ba ang kailangan niyang gawin at patunayan para lang makuha niya ang full freedom na nararapat ine-enjoy ng tulad niyang nasa sobra-sobrang age na para bumuo ng pamilya?

“Akala kasi ng iba, porke pinayagan na siyang makipagrelasyon ng family niya, e, ‘yun na ‘yun! Susme!

Waley pa rin! Bantay-sarado pa rin sila ng boyfriend niya, sa totoo lang!

“Hitsura pa rin ng point guard ng isang champion basketball team ang mother niya, palaging nakabantay, walang-walang katiwa-tiwala sa kanya!” simulang chika ng aming impormante.

Napakasuwerte ng pamilya ng pamosong singer-actress na ito dahil mula nu’n hanggang ngayon ay nasa tamang pagdedesisyon pa rin siya. Hindi siya nagpapadala sa mga sulsol at bulong ng ibang tao sa paligid niya na magrebelde na siya.

“At magpasalamat sila dahil good influence ang napili niyang makarelasyon. Matiisin ang guy dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Naghihintay lang siya kahit pa gusto na siguro niyang itanan ang girl!

“Pati mga kaibigan ng girl, sinasala ng mudra niya! Ayaw siyang pasamahin sa mga co-stars niya na nagsasarili na at ine-enjoy ang buhay nang hiwalay sa mga pamilya nila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi raw magandang impluwensiya ang mga ganu’ng kaibigan, iwasan daw niya, dahil baka kung anu-ano lang ang ituro sa kanya. Nakakaloka, hanggang du’n ba naman, e, wala pa ring kalayaan ang girl?

“Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan pa ba ng clue kung sinu-sino ang mga karakter sa istoryang ito? Enough ba ang forever?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending