Dating Davao City Vice Mayor Pulong Duterte bumanat kina Kris, VP Robredo, Rappler reporter
MATAPOS ang pananahimik, bumanat si presidential son at dating Davao City vice mayor Paolo “Pulong Duterte sa kanyang opisyal na Facebook account kung saan kabilang sa kanyang binatikos ay si Kris Aquino, dating pangulong Corazon “Cory” Aquino, reporter ng online news site na Rappler na si Pia Ranada at si Vice President Leni Robredo.
“Oo nga no…sorry ha wag magdrama… laro nalang PS4…#eatshitanddie,” sabi ni Duterte sa kanyang post sa kanyang Facebook account na Vice Mayor Pulong Duterte Official
Hindi rin pinaligtas ng batang Duterte si Robredo.
“Wala si Madam Leni kasi Special siya kaya special din para sa kanya. Ang anakbayan na anak ng teteng hintay kayo … wag kalimutan wala akong trabaho … kayo lang trabahuin ko,” dagdag ni dating vice mayor Duterte.
Binanatan din ni Duterte si Ranada sa pamamagitan ng meme.
“Dear SPO4 Ranada, there is a difference between the privilege of covering the Palace and the right of a free press,” ayon pa kay Duterte.
Nagpost din si Duterte ng meme bilang pagbatikos sa Edsa Revolution.
“The commemoration of Edsa is a reminder of a broken promise 30 years since,” ayon kay Duterte.
May sagot naman si Kris kay Duterte.
“This is a message to #PaoloDuterte, you mentioned me in your post by name & i feel it is only proper to reply. May I invite you to have coffee or we can have a San Mig if that is your preference, hindi ako ‘mag da-drama‘ pag nagkaharap na tayo,” sabi ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.