Magsasaka patay, 2 pa sugatan sa ambush | Bandera

Magsasaka patay, 2 pa sugatan sa ambush

Leifbilly Begas - February 27, 2018 - 04:40 PM
Nasawi ang isang magsasaka habang dalawa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga armadong naka-motorsiklo sa Santo Tomas, Isabela, Lunes ng hapon. Dead on the spot si Martin Limbuan Jr., 58, habang sugatan ang mga kasama niyang sina Loreto Masiddo at Benjie Angolluan, sabi ni Supt. Ronald Laggui, tagapagsalita ng Isabela provincial police. Naganap ang pamamaril dakong alas-4, sa overflow bridge ng Brgy. Bagutari. Pauwi sina Limbuan sakay ng tricycle at ang makarating sa tulay ay sinundan at pinaulanan ng bala ng dalawang lalaking naka-motorsiklo. Itinakbo si Masiddo sa isang pagamutan sa Tuguegarao City, Cagayan, habang si Angoluan ay dinala sa isang pagamutan sa bayan ng Delfin Albano. Inaalam pa ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, ani Laggui.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending