Purisima kinasuhan sa tagong yaman | Bandera

Purisima kinasuhan sa tagong yaman

Leifbilly Begas - February 27, 2018 - 03:44 PM

    Muling sinampahan ng kaso ang sinibak na si National Police chief Alan Purisma sa Sandiganbayan kaugnay ng pagkabigo nito na magdeklara ng totoo sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth.     Walong kaso ng perjury ang isinampa kay Purisima dahil sa hindi umano pagdedeklara ng totoo sa kanyang 2006- 2009 at 2011- 2014.     Sa kanyang SALN noong 2006 at 2007 hindi umano isinama ni Purisima ang lupa kanyang misis na si Maria Ramona Lydia Purisima.     Noong 2008 ay hindi rin umano nito idineklara ang tatlong ari-arian ng kanyang misis samantalang noong 2009 ay mayroong ari-arian ang dating PNP chief na hindi niya inilagay sa SALN.     Hindi rin umano inilagay ni Purisima sa kanyang 2011 SALN ang kanyang dalawang baril, isa rito ay isang high-powered rifle. Inilagay ang mga baril sa 2012 at 2013 SALN pero hindi umano lahat ng ari-arian ng mag-asawa.     Noong 2014 ay apat na real estate property ang hindi umano kasama sa idineklara sa SALN.     Bukod dito ay nahaharap din si Purisima sa mga kasong katiwalian kaugnay ng maanomalyang kontrata ng courier service para sa delivery ng firearms permit.       Mayroon din siyang mga kinakaharap na kaso kaugnay ng Mamasapano incident.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending