Kamara pasok sa milyon-milyong halaga ng nakumpiskang cocaine
Iimbestigahan ng Kamara de Representantes ang P79.136 milyong halaga ng cocaine na ibinagsak umano sa Isabela ng international drug syndicates. Ayon kay House committee on dangerous drug chairman na si Ace Barbers kung ibinagsak sa Isabela ang mga cocaine ay posibleng may inaasahan silang kukuha nito. “Who are the drug syndicates or individuals responsible for dumping cocaine into our shores? Is the illegal drug intended for local consumption or are foreign drug syndicates just using the Philippines as a transshipment point to other destinations, or both?” ani Barbers. Ang imbestigasyon ay batay sa resolusyon na inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas. “We need to know how Congress can help our anti-drug agencies cope with new skills and innovations being employed by seaborne drug smugglers, like appropriating funds for the acquisition of modern surveillance and tracking system,” saad ng solon. Nakuha sa Brgy. Dipudo, Divilacan, Isabela noong Pebrero 5 ang 18.84 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P79 milyon. Noong Enero 3 ay nakuha naman ang 25 bulto ng cocaine na ibinalot sa packaging tape at nagkakahalaga ng P125 milyon sa Matnog, Sorsogon. Noong Disyembre 18, 2016 ay nakakuha naman ng P100 milyon halaga ng cocaine sa Tiwi, Albay. Ayon sa 2017 International Narcotics Control Strategy Report ng US State Department madalang ang cocaine sa Pilipinas dahil mahal ang presyo nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.