Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.0 ang Davao Oriental kaninang umaga.
Naramdaman ang lindol alas-8:42 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang sentro nito ay 58 kilometro sa silangan ng Governor Generoso at may lalim na 60 kilometro.
Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Walang inaasahang aftershock at pinsala ang paggalaw na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending