1 patay, 10 pa sugatan sa karambola ng 6 na sasakyan sa  La Union | Bandera

1 patay, 10 pa sugatan sa karambola ng 6 na sasakyan sa  La Union

- February 23, 2018 - 03:19 PM

PATAY ang isang driver ng trak, samantalang 10 ang nasugatan matapos ang karambola ng anim na sasakyan sa kahabaan ng highway sa sa bayan ng Rosario,  La Union kaninang umaga, ayon sa pulisya,

Namatay si Mark Anthony Locquiao, 25, habang itinatakbo sa ospital. Bumangga ang minamanehong 10-wheeler truck ni Locquiao sa lima pang sasakyan alas-6:45 ng umaga sa  southbound lane ng Manila North Road sa Barangay Udiao.

Sinabi ni Rosario police head Chief Insp. Bernabe Oribello na posibleng nagkaroon ng problema sa preno ang minamanehong trak ni Locquiao nang bigla itong humarurot ng takbo sa isang pakurbang kalsada.

Una nitong binangga ang isang  trailer truck, pagkatapos ang binangga ang dalawang tricycle at isang pampasaherong bus bago bumangga sa isang bakanteng bahay.

Dahil sa lakas ng pagbangga nito sa pampasaherong bus, nabangga naman ng Victory Liner ang isang mini-bus.

Idinagdag ni Oribello na tumilapon pa Locquiao sa kanyang trak at wala itong malay habang dinadala sa ospiyal.

Kabilang sa mga nasugatan ay limang pasahero ng bus, apat na pasahero ng mini bus at isa sa mga driver ng tricycle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending