Korte ipinag-utos ang paglipat kay Taguba sa PNP Custodial Center
IPINAG-UTOS ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang agarang paglipat sa Customs broker na si Mark Ruben Taguba II sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.
Sa pagdinig, inaprubahan ni Manila RTC Branch 46 Judge Rainelda Estacio-Montesa na dalhin si Taguba sa PNP Custodial Center dahil sa isyu ng seguridad.
Kasabay nito, ipinagpaliban ng korte ang pagbasa ng sakdal kina Taguba at kapwa akusado na si Eirene Mae Tatad sa Abril 6 sa harap ng nakabinbin nilang petisyon. Nagsampa ang dalawa ng motion to quash na humihiling na ibasura ang kaso laban sa kanila.
Nakakulong si Tatad sa Manila City Jail matapos naman siyang maaresto sa unang linggo ng buwan. Nahaharap siya sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, partikular dahil sa pag-aangkat ng droga.
Kabilang sina Taguba at Tatad sa kinasuhan kaugnay ng P6.4 bilyong shabu mula sa China na nakalusot sa Bureau of Customs. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.