Donny Pangilinan suportado ng magulang ang pagiging ‘walwal boy’
MATAGAL ipinagdasal ng baguhang si Donny Pangilinan, anak nina Anthony at Maricel Pangilinan, ang magkaroon ng pelikula.
Ilang beses na siyang nag-workshop and after two years, dumating na ang offer sa kanya na maging isa sa lead actors ng bagong barkada movie na “Walwal.”
May hosting assignments at record label si Donny pero wala pang acting assignment.
“So nu’ng nag-meeting kami ni Mother (Lily Monteverde), sobrang blessed ko po. I get to be part of the movie that’s not super dramatic or romantic. Light lang siya na barkada movie na I can relate kasi 20 years old lang ako,” pahayag ni Donny sa look test ng nasabing Joey Reyes film.
Ang role niya ay isang estudyanteng filmmaker na nangangarap maging next Brillante Mendoza.
“Pero ako lang ang naniniwalang magagawa ko ‘yon. Ang daming nagsasabing hindi ko kaya ‘yon. Pangit ‘yung ginagawa ko. Hindi magaling, so I just keep believing in myself,” kuwento pa niya.
Buntis daw sa kanya ang inang si Maricel noong ginagawa ang movie nito kay direk Joey.
“So it’s like history repeating itself again kasi out of other directors it was direk Joey who stood out with my mom. Sobrang close ko na siya. Siya nga ang ninong sa kasal nila.
“So I’m super blessed to work with him to prove ‘yung craft ko,” saad niya.
Ano ang sabi ng Mom niya sa pagpasok niyas a acting? “She’s super proud of me. Nabasa na niya ang script even before na makita ko. She’s super excited kasi alam niyang ito talaga ang gusto ko,” rason ni Donny.
Makakasama ni Donny sa “Walwal” sina Elmo Magalona, Jerome Ponce at Kiko Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.