KathNiel di na kayang mabuhay nang magkahiwalay | Bandera

KathNiel di na kayang mabuhay nang magkahiwalay

Ambet Nabus |February 22,2018
facebook
share this

KathNiel di na kayang mabuhay nang magkahiwalay

Ambet Nabus - February 22, 2018 - 12:05 AM


HULING  linggo na next week ng La Luna Sangre.

Napatunayan nga ng tambalang KathNiel na lumebel-up na sila as mature actors at walang dudang sila na nga ang number one loveteam ngayon sa bansa.

Halatang very much involved pa rin ang dalawa at kitang-kita sa performances nila ang pagmamahal sa kanilang trabaho, moreso sa isa’t isa.

May nagtsika nga sa amin na kahit tapos na raw kunan ang mga eksena ng isa, hindi pa agad aalis o uuwi ang isa, dahil hihintayin pa nitong matapos ang kapareha para magsabay na sila as pag-uwi.

Meron ding instances na kahit may baklas daw at lilipat ng location ang isa for another unit, hindi puwedeng hindi sila magsabay o maihatid man lang ng isa.

“Ganu’n sila ka-attach at kadikit kaya’t kapag nawala ang isa, alam mong hindi mapapakali ‘yung isa pa,” sey pa ng aming kausap.

Well, sa mga ganu’ng paisa-isang kuwento nga natin nadiskubre na kahit daw may mga sarili silang assistants o relative na kasama, never na naghiwalay ang dalawa.

Balitang magpapahinga lang sandali sina Daniel at Kathryn bago uli sila sasabak sa isang movie project for this year.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending