Kiko Estrada natikman lahat ng babaeng nakilala noon: Pag single ka enjoy lang!
“GINAGALINGAN” ang rason ni Kiko Estrada kaya mabenta siya sa Regal movies.
Matapos ang markado niyang role sa horror film na “Pwera Usog”, isilang siya sa Elmo Magalona-Janella Salvador blockbuster movie na “My Fairy Tail Love Story.”
Tapos, isa si Kiko sa male leads ng Joey Reyes movie na “Walwal” kasama sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan at Jerome Ponce. Naganap na ang storycon ng barkada movie at look tests last Tuesday sa Regal Valencia.
This time, f**ck boy ang role niya sa “Walwal” na bagong tawag ng millennials sa chickboy – mahilig sa babae, womanizer.
“Siyempre gusto naming i-tackle ang issues na ‘yon. Kung ganoon ka ba puwede kang magbago? Kaya mo bang magmahal ng tunay pag ganoon ka? May game changer ka ba?
“Feeling ko relevant ngayon ‘yung f***ck boy, bigo sa pag-ibig iniwanan dahil tibo pala ang gusto ng babae.
“We tackle about friendship, life and I think, sabi ni direk na dream project niya ito, it’s because it’s about teenagers finding themselves through life,” paliwanag ni Kiko sa movie.
Ayon kay Kiko, walwal sa millennials ay to the ends ang pag-inom, game na game sa lasingan. Ang latest millennial term nga raw ngayon ay “sketchy” na ang ibig sabihin ay medyo delikado.
F**ck boy ba siya in real life? “Hindi po. Mabait po ako. Laki sa kumbento! Ha! Ha! Ha!” rason niya.
Dumating ba siya sa puntong bawat babaeng makilala niya eh, natitikman niya?
“I guess ganoon naman yata lahat ng lalaki. Sabi nga ng nanay ko, pag single ka, enjoy. Once you’re in a relationship, stick to one,” rason niya.
Hindi raw siya matatawag na f***ck boy dahil, “Nagmamahal lang ako nang tunay! Napamahal lang ako! Kung nabansagan man tayo ng ganoon eh, hindi naman talaga. Tunay lang tayong magmahal!” diin ni Kiko.
Sa movie, lalabas na nanay niya ang tunay niyang ina na si Cheska Diaz.
“Kabado nga ako. Actually ‘yung dating ng nanay ko is added pressure. Siyempre kailangang galingan ko. Sa storycon ko lang nalaman na kasama siya. So kaba, excitement kung paano namin paglalaruan with my Mom. I’m so blessed na ang mom ko ang kaeksena ko,” bulalas pa ni Kiko.
Walwal ba siya kapag uminom? “Hindi. Tinuruan kami ng tatay ko na know how to hold your liquior,” tugon niya.
Eh, sa pag-ibig, walwal din ba siya? “Alam mo naman ‘yung sagot doon. Pagdating sa pag-ibig, ibinibigay ko lahat pero ngayon, ayokong ibigay lahat! Kasi natatakot na akong ibigay lahat!” deklara ni Kiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.