‘Kiss-and-tell’ si ex-BF | Bandera

‘Kiss-and-tell’ si ex-BF

Beth Viaje - February 21, 2018 - 12:10 AM

MAGANDANG araw, Ateng Beth,

Problema ko po ngayon ay itong papasukan kong bagong trabaho. Late ko na nalaman na ‘yung dati kong BF ay dito rin pala nagwo-work.

Natatakot kasi ako sa kung anong pwedeng mangyari pag magkasama na kami sa work. Medyo hindi kasi maganda ending ng relasyon namin, three years ago.

Paano ko siya patutunguhan? Baka matsismis kami o baka kung ano-anong ikalat niyang tsismis. Kiss and tell ang ex ko kaya natatakot ako. Payuhan mo naman ako. Salamat.

Abigail M.,
Novaliches,
Quezon City

Hello, Abigail ng Novaliches, Quezon City.

Anong dapat ikatakot? May ginawa ka bang masama?

Well, nasa sa iyo ‘yan, kung anong dapat mong gawin sa ex mo habang magkasama kayo sa iisang opisina.

Madalas ba ang magiging interaction ninyo? Hindi mo ba kayang dedmahin na lang siya, tutal three years na pala kayong hiwalay, at hopefully naka-move-on na kayo pareho?

Or pwede ring gumawa ka nang idadahilan sakaling may magtanong o sumingaw ang kinatatakutan mong tsismis. Say something like: “’Yan ang dahilan kaya ex ko na siya, kasi mas madaldal pa siya sa akin, bumo-borderline sa pagka palengkera si ex…take note, palengkera… bahala na kayo mag isip ng conclusion…” Mga ganoon, hahaha!

O kaya naman, magpauna ka na sa HR ninyo, in case may gawing kwento si ex. So, pag nangyari ‘yun, alam na ng HR, but of course you will sound like a paranoid ex na di pa naka-move on…

Or wag nang tanggapin ang trabaho, ‘teh…kung mas mahalaga sa iyo ang drama ng nakalipas kaysa sa pangkabuhayan package ng kasalukuyan, e di mag-walk out ka.

Pero habang ide-deny mo ‘yang nakaraan mo at minsang naging shunga ka sa lablablab (aminin!!) lagi kang matatakot sa anino at kwento ninyo ni ex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Move on na sana at taas-noong mag-work nang maayos. Anyway kung ano ka naman ngayon ay bunga ng learnings mo sa nakaraan di ba? (Sana nga!)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending