Daniel sa pagmamahal kay Kathryn: Hangga't may katwiran, ipaglaban mo! | Bandera

Daniel sa pagmamahal kay Kathryn: Hangga’t may katwiran, ipaglaban mo!

Ervin Santiago |February 21,2018
facebook
share this

Daniel sa pagmamahal kay Kathryn: Hangga’t may katwiran, ipaglaban mo!

Ervin Santiago - February 21, 2018 - 12:35 AM

 

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

“HANGGA’T may katwiran, ipaglaban mo!” ‘Yan ang birong tugon ni Daniel Padilla nang tanungin kung hanggang kailan niya ipaglalaban ang pagmamahal niya kay Kathryn Bernardo.

Kahapon sa thanksgiving’farewell presscon ng La Luna Sangre, diretsong sinabi ni DJ na hangga’t nagmamahalan sila ni Kath, ipagpapatuloy lang niya ang paglaban. “Paano mo ipaglalaban kung wala na di ba? Hangga’t meron, anong ipaglalaban kung wala na.”

Sey naman ni Kathryn, “Nasa amin na ‘yun hanggang kailan namin gustong ipaglaban.” Kitang-kita naman kung gaano kamahal ng dalawa ang isa’t isa at hindi rin siguro tatagal ang kanilang tambalan kung naglolokohan lang sila at hindi totoo sa kanilang mga sarili.

Last two weeks na ang La Luna Sangre sa Primetime Bida ng ABS-CBN at promise nina Kathryn at Daniel, napakarami pang mga pasabog ang dapat abangan ng manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending