Du30 nagbantang madaragdagan pa ang mga bansang sakop ng deployment ban
NAGBANTA si Pangulong Duterte na magdedeklara rin ng deployment ban sa iba pang bansa matapos namang ipagbawal ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait bunsod ng pagkakadiskubre ng bangkay ng isang OFW sa loob ng freezer.
“The ban will continue and it will extend to other countries. Mahirapan sila, well, humihingi na ako ng tawad sa inyo. I will not allow… Hindi… Wala akong kaplano na ipadala kayo doon tapos babuyin kayo. Hindi ko style ‘yan,” sabi ni Duterte.
Nakatakda namang dumalaw bukas sa Iloilo si Duterte sa burol ng OFW na itinago sa freezer na si Joanna Demafelis.
“Magalit kayo nang magalit sa akin tutal — basta ako trabaho lang. Mawala na ako sa politika. Wala na talaga. I’m done and wala na akong ambisyon,” dagdag pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.