NAKATAKDANG bumisita si Pangulong Duterte sa burol ng Overseas Filipino Worker na itinago sa freezer ng isang taon matapos namang maiuwi sa kanyang lalawigan sa Iloilo.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaasahan ang pagdalaw ni Duterte anumang araw ngayong linggo sa lamay ng pinatay na OFW mula sa Kuwait na si Joanna Demafelis.
Idinagdag ni Roque na nagbigay na rin ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa pamilya ni Demafelis.
“Death and burial benefits financial assisance to the family. And I am sure the President will announce other contribution,” sabi ni Roque matapos tanungin kaugnay ng ayuda sa pamilya ng biktima.
Nauna nang ipinag-utos ni Duterte ang deployment ban sa Kuwait matapos naman ang nangyaring pagpatay kay Demafelis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.