NOONG 1866, inilathala ng English doctor na si John Langdon Down ang tungkol sa isang sakit na Down syndrome, ayon sa National Down Syndrome Society.
Ang French physician naman na si Jerome Lejeune ang tumukoy na ang Down syndrome ay isang chromosomal condition, noong 1959.
Ano nga ba ang down syndrome?
Trilyon-trilyong cell meron ang tao. Sa mga cell na ito ay merong mas maliliit na bahagi na ang tawag ay chromosome. Karaniwan ang isang tao ay may 46 chromosome, ang mga may Down syndrome ay merong 47.
Nangyayari kapag ang isang tao ay merrong full or partial extra copy ng chromosome 21. Ito ang dahilan ng pagkaantala ng development ng isang indibidwal.
Hindi sakit ang Down Syndrome ay hindi isang sakit kundi isang kondisyon. Ang meron nito ay may intellectual disability o cognitive disability at hindi mental retardation.
Sa US, isa sa bawat 700 batang ipinapanganak ay may ganitong kondisyon.
Kalimitan sa mga may Down syndrome ay meron ding congenital heart defects, sleep apnea, at Alzheimer’s disease.
Noong 1983 ang life expectancy ng tao na may Down syndrome ay 25 lamang. Sa paglipas ang panahon ito ay tumaas sa 60.
Sa pag-aaral, 67 porsiyento ng mga babae na nalaman sa prenatal checkup na may Down syndrome ang kanilang sanggol sa sinapupunan ay nagpa-abort mula 1995-2011.
Sa Amerika, mas mababa ang bilang ng mga nag-divorce na mag-asawa na may anak na may Down syndrome (7.6 porsiyento) kumpara sa mag-asawa na walang anak na may Down syndrome (10.8 porsiyento).
May tatlong klase ng Down syndrome—ang Trisomy, Mosaicism at Translocation o namamana.
Walang nakakaalam kung ano ang sanhi nito. Walang pag-aaral na nagsasabi na sanhi ito ng mga ginagawa ng ina habang nagdadalang-tao.
Habang tumatanda ang babae mas tumataas ang panganib na magkaroon ng Down syndrome ang kanyang anak. Ang 35-anyos na babae ay mayroong 1:350 tyansa na magkaroon ng anak na may ganitong kondisyon; ang 40-anyos ay may 1:100 tyansa at sa edad na 45 ay 1:30 na ito.
Ang isang babae na nagkaroon ng anak na may Down syndrome ay mayroong 1:100 tyansa na magkaroon muli ng ganitong anak.
Ang sanggol sa sinapupunan ay maaaring sumailalim sa screening test at diagnostic test para malaman kung gaano kalaki ang tyansa na ito ay mayroong Down syndrome.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.